Advertisers
PATAY ang isang ginang nang pagsasaksakin ng 59 beses ng kaniyang bayaw sa Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Marilyn Ramos, 45 anyos, residente ng Barangay Tamorong.
Naaresto ang salarin na si Jimmy Ramos, 39.
Ayon sa ulat, nagtalo ang dalawa dahil sa “ tsismis” na humantong sa pananaksak ni Jimmy kay Marilyn gamit ang isang screwdriver.
Paliwanag ni Jimmy, nagdilim ang kaniyang paningin kaya nagawa ang krimen.