Advertisers

Advertisers

DTI: 1.5-M manggagawa nawalan ng trabado dahil sa ECQ sa NCR

0 188

Advertisers

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na sumirit sa 1.5 milyon bilang ng manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at 4 karatig lugar.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang hanapbuhay matapos na ibinaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus.

Nilinaw ni Lopez na makakabalik lamang ang isang milyon workers sa kanilang hanapbuhay sa oras na ilagay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.



Dagdag pa nito na sa pagluluwag ng quarantine status sa NCR Plus, mas marami kasing mga business establishments ang pinayagan na muling makapag-opertate muli pero sa skeleton workforce on-site. (Josephine Patricio)