Advertisers
HANDA ang pharmaceutical company na may likha ng Sinopharm vaccine na magpadala 25 milyong doses ng bakuna sa bansa.
Pahayag ito ni Atty. Mark Tolentino, President at CEO ng MKG Universal Drugs Trading Corporation na exclusive distributor ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Tolentino, agad na maipapadala sa bansa ang milyon-milyong dose ng bakuna oras na lumabas na ang emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Giit ni Tolentino, noon pang Enero sila nagsumite ng aplikasyon para sa EUA pero magpanhanggang sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta rito.
Binigyang diin pa ni Tolentino na ang Sinopharm umano ang China’s best vaccine na pwede sa edad 3 years old hanggang higit 100 taong gulang; maging sa mga may sakit na o persons with comorbidities.