‘Rapist’ ng magkapatid na 5 taon nagtago timbog sa Bacolod

77

BUMAGSAK din sa kamay ng batas ang isang lalaking rape suspect na nagtago sa batas ng halos 15 taon sa Bacolod City.
Kinilala ang suspek na si Ildefonso Opilda.
Ayon kay Maj. Ronaldo Lumactod, public information officer ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, nagkasa ng operasyon ang kanilang unit at Bacolod Police nang makatanggap ng ulat sa kinaroroonan ng suspek.
Nahuli sa Barangay Mansilingan si Oplida, itinuturing na ikatlo sa mga most wanted sa Bacolod.
Inakusahan ang suspek na gumahasa sa mga anak ng kaniyang kapitbahay noong 2007. Una niya umanong ginahasa si alyas “Rose,” isang menor de edad, at matapos ang ilang buwan, kapatid naman ni “Rose” ang naging biktima.
Nakakulong na sa Bacolod City Police Station ang suspek para sa 2 counts of rape.

Leave A Reply

Your email address will not be published.