Daddy nilalamutak ang dibdib ng anak ‘pag wala si misis

84

DINAKIP ang isang amang magtataho nang lamutakin nito ang dibdib ng anak na babaeng 14-anyos habang nasa modular class sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.
Kinilala ang dinakip na si Nicomedes Samar, 34, taho vendor; habang itinago sa pangalang Raven ang biktimang Grade 9 student, ng Barangay San Pedro, Bulacan.
Sa report ng SJDM Police, nangyari ang pangmomolestiya ng sariling ama sa anak, 2:00 ng hapon sa kanilang bahay nitong Biyernes, Abril 16.
Ayon sa ulat, nasa modular class sa kanilang bahay ang biktima nang lamas-lamasin ng ama ang dibdib ng dalagita.
Nang dumating ang ina ay napansing umiiyak ang anak na hindi nakatiis at nagsumbong sa ginawang kababoyan ng ama.
Agad humingi ng tulong ang mag-ina sa istasyon ng pulisya at naaresto ang “manyak”na ama.
Sinasabing mula Agosto 2020 nang simulang hawak-hawakan at lamas-lamasin ng ama ang maseselang parte ng katawan ng dalagitang anak habang nasa trabaho ang kanyang misis.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang ama.(James de Jesus)

Leave A Reply

Your email address will not be published.