Advertisers

Advertisers

11% ng health workers ‘di pa natuturukan vs Covid

0 252

Advertisers

NASA 11 percent ng kabuuang bilang ng mga health workers ang hindi pa rin nagpapabakuna kontra COVID-19.

Inamin ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry.

Pahayag ni Cabotaje, 89 percent pa lang ng nasa 1.8 million health workers sa bansa ang nababakunahan hanggang noong Abril 20 dahil sa mayroong agam-agam ang ilan sa mga ito o naghihintay sa pagdating ng kanilang napupusuang brand ng bakuna.



Kaya naman patuloy ang kanilang pag-apela sa mga chief ng mga ospital at sa regional directors ng Department of Health na magtulungan sa paghikayat sa mga health workers na magpabakuna na.

Iginiit ni Cabotaje na ang mga health workers ang nangunguna sa laban kontra COVID-19 pandemic kaya mahalagang mabakunahan ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Mayroon aniyang mga proposal sa ngayon na gawing mandatory ang pagbakuna ng mga health workers, subalit ang overriding principle pa rin aniya sa kasalukuyan ay voluntary pa rin ito dapat.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na aabot na sa higit 1.3 million Pilipino ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa naturang bilang, 989,703 ang health workers; 132,948 ang senior citizens; at 180,315 naman ang mga mayroong comorbidities.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">