Advertisers
SUMUKO sa mga lokal na opisyal at mga otoridad ang isang senior bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang sumuko na si Norton Saptula, bomb maker at tauhan ni Kumander Imam Karialan ng BIFF Karialan faction.
Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director, Brigadier General Eden Ugale, sumuko si Saptula sa LGU officials ng Ampatuan, Maguindanao, pulisya at militar.
Sangkot si Saptula sa magkasunod na madugong pambobomba noong 2018 sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan anim ang nasawi at mahigit 60 katao ang nasugatan.
May warrant of arrest si Saptula na inisyu ng RTC 12 Branch 19 sa Isulan sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder.
Sumuko si Saptula dahil sa pinaigting na operasyon ng Joint Task Force Central at pulisya laban sa BIFF sa Maguindanao.