Advertisers

Advertisers

500K doses pa ng Sinovac mula China dumating na

0 339

Advertisers

DUMATING na sa bansa ang 500,000 doses at ika-anim na batch ng Sinovac vaccines mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech nitong Biyernes ng umaga, Abril 29 lulan ng chartered flight na Cebu Pacific mula sa China.

Kasalukuyang nasa 3.5 milyon na doses ng Sinovac o Coronavac ang kabuuang dumating sa Pilipinas kasama na ang donasyon ng Chinese government.

Bilang bahagi ng polisiya, sumailalim muna sa disinfection ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago umalis ang mga trucks pasado 8:00 ng umaga patungong Marikina City.



Nabatid nasa higit 1.8 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan matapos ang halos dalawang buwan mula nang mag-umpisa ang vaccination rollout sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health at National Task Force against COVID-19, ang 88% o higit 1.5 million ng alokasyong 1.7 million doses ang naiturok bilang first dose.

Habang higit 246,000 ang naibahagi na bilang second dose.

As of April 27, higit 3,400 vaccination sites na raw sa buong bansa ang nagrorolyo ng COVID vaccines.

Sa ngayon nasa 3,525,600 na ang COVID-19 vaccine doses na hawak matapos madagdagan ng 500,000 doses ng Sinovac noong April 21.



Nilinaw ng DOH at NTF na tanging mga healthcare workers, senior citizens, at populasyon ng may comorbidity o ibang sakit ang tinuturukan ngayon ng mga bakuna. (Josephine Patricio)