Advertisers

Advertisers

Covid update: 8,276 bagong kaso; 6,636 gumaling; 114 nasawi

0 260

Advertisers

TUMAAS muli ang karagdagang kaso ng coronavirus disease sa bansa nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,276 na panibagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Abril 29.

Sa pinakahuling datos ng DOH, umabot na sa kabuuang 1,028,738 ang bilang ng tinatamaan ng virus sa bansa.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,636 na gumaling at 114 na pumanaw.



Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (69,354) ang aktibong kaso kung saan 94.9 % na lamang ang mild cases at 1.6% naman ang asymptomatic, 91.6% (942,239) na ang gumaling, at 1.67% (17,145) ang namatay.

Payo ng DOH, iwasan na magkahawaan sa loob ng ating tahanan at agad na makipag-ugnayan sa barangay health response team sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)