Paslit dinaliri ng manyak

249

DINAKIP ang isang lalaki nang ipasok nito ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng batang babae sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang inaresto na si Alex David Mallorca, 51 anyos, binata, ng 1814 Antipolo St., Sta Cruz.
Sa report, dumulog sa barangay si Rowena P. Alano, lola ng 9-anyos na biktima, naninirahan sa Antipolo St., upang ireklamo si Mallorca.
Ayon sa salaysay ng lola, isang special child (PWD) ang kanyang apo, napag-alam nitong minolestiya ni Mallorca ang apo nang magreklamo itong masakit ang kanyang puwerta kungsaan ipinasok umano ng suspek ang kanyang mga daliri.
Mabilis naman umaksyon si Chairman Efren Danilo Santos ng Barangay 369, Distrito 3, Manila kasama sina Ex-0 Ramon Marcellana at tanod na si Eduardo Diamante. Agad nasakote si Mallorca habang natutulog sa bangketa ng Andrade St. at dinala sa PCP Blumentritt.
Nahaharap si Mallorca sa paglabag sa RA 8353 at RA 7610.(Denz Tonel)

Leave A Reply

Your email address will not be published.