BOMBA SUMABOG SA HARAP NG ARMY DETACHMENT: 2 PATAY, 5 SUGATAN

68

NASAWI ang dalawang tao at limang sibilyan ang nasu-gatan nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ng mga pinaniniwalaang grupo ng mga rebelde ang isang detachment ng Philippine Army sa Barangay Del Carmen, Masbate, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Boy Gestingor, 28 anyos at Carmelita Yanzon, 65, kapwa residente ng na-sabing barangay.
Sugatan sa tama ng mga shrapnel sina Michael Maglasang Trangia, 34, kasapi ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ng Bgy. Buenavista; Vevencia Yanzon, 48; Marjun Mangubat,18; Ernie Rondina,19, at isang 13-anyos na lalaki, pawang taga Bgy. Del Carmen, Uson.
Sa ulat, 9:40 ng gabi habang nakabantay sa gate ng Army detachment ng 2nd Infantry Batallion si Trangia nang su-mabog ang bomba sa tabi ng kalsada, 50 metro mula sa detachment.
Sa lakas ng pagsabog, nahagip ang mga biktima na dumaraan lamang sa detachment.
Agad namatay sa lugar sina Carmelita at Gestingor na napuruhan sa pagsabog habang nakasakay sa motorsiklo.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang grupong responsable sa pagpapasabog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.