4 tulak bulagta sa buy bust

94

TODAS ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na buy bust operations sa Nueva Ecija.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dominic Yabut ng Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City; Jesus Pelmoka ng Bgy. Aduas Centro, Cabanatuan City; John Partric Lozano alias JP at Christian De Jesus, na kapwa taga Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Brig. General Valeriano De Leon, Regional Director ng PRO3, nasawi sina Yabut at Pelmoka nang malaban sa operasyon ng mga elemento ng Cabanatuan Special Operation Group at Cabanatuan Drug Enforcement Unit sa Purok 1 Bgy. Dalampang, Cabanatuan City.
Samantala, nasawi sina Lozano at De Jesus nang ma-kipagbarilan umano sa mga ele-mento ng San Jose City Police Station sa buy bust operation sa Sitio Cumanol, Bgy. Caananwan, San Jose City, Nueva Ecija. (Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.