Karnaper nagbenta ng kotse sa online, timbog

43

KULONG ang isa sa tatlong karnaper na tumangay sa AUV ng isang dalaga sa entrapment operation ng Anti-Carnapping Unit nang ibenta ito online Linggo ng hapon, Mayo 2, sa Barangay H2, Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang nadakip na si Jonathan Macalawan alias “Black Jack”, 51 anyos; habang tinutugis ang dalawa pa nitong kasama na nakilala lamang sa mga alias na “Allan” at “Tisoy”.
Sa ulat, nagkasa ng entrapment operation ang pinagsanib na puwersa ng Dasmariñas City Police, PCP2 personnel, at Anti-Carnapping Unit nang humingi ng tulong sa kanila si Jonice Aeron Cirujale, 25, nang matangay ang kanyang grey metallic Toyota Avanza 2017 (NAZ 9168) kamakailan at nakita niya ito sa social media na ibinebenta.
Sa entrapment operation, nabawi sa magnanakaw ang naturang kotse at nakuhanan pa ito ng 1 plastic sachet ng shabu sa bulsa nito.
Nahaharap si Macalawan sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10883 at RA 9165, habang pinaghahanap ang da-lawang kasamahan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.