Sekyu nanloob ng apartment huli sa GPS ng tinangay na celfon

41

NILOOBAN ng isang security guard ang isang apartment sa Lopez Subdivision sa Mandurriao nitong Mayo 2, Linggo.
Sa ulat, isang babaeng lang ang tao sa apartment nang mangyari ang panloloob.Tinutukan ng sekyu ng baril ang babae, piniringan ang mga mata at tinali ang dalawang kamay sa likod. Tinangay nito ang isang smartphone na nagkakahalaga ng P70,000, laptop na may halagang P30,000, speaker, ATM card, at cash na P3,000.
Dumating kalaunan ang kinakasama ng babae at nakasalubong pa ng magnanakaw, pero tinutukan din siya ng baril, at nakuhanan rin ng cellphone.
Sa follow up operation ng mga awtoridad, natunton ang pinagtataguan ng magnanakaw dahil sa GPS ng cell phone na kaniyang tinangay. Nabawi sa kanya ang mga ninakaw na gamit, maliban sa cash. Nakuhanan rin ito ng isang .38 caliber revolver at isang .22 caliber revolver.
Nagtatrabaho bilang security guard ang magnanakaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.