P3.4m shabu huli sa bigtime tulak sa Bulacan

44

ARESTADO ang isang bigtime drug suspect sa buy-bust operation sa lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Lunes.
Kinilala ang nadakip na si Alexander De Naga alyas “Bong”, 42 anyos, ng BarangayTungkong Mangga, San Jose Del Monte.
Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bulacan, Provincial Intelligence Unit (PIU)-Bulacan, at Malolos Police 11:30 ng gabi sa Diversion road, Bgy. Mojon, Malolos.
Ayon sa ulat, nakuha sa operasyon ang dalawang knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.00, Cherry mobile cellphone, at P1,000 buy-bust money. (James de Jesus)

Leave A Reply

Your email address will not be published.