Advertisers
INIHAYAG ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na mayroong ilang milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British firm na AstraZeneca at US company na Pfizer ang paparating ngayong buwan ng Mayo.
Sa naging pagpupulong nitong Miyerkules ng gabi, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Galvez na sa pamamagitan ng COVAX facility ng WHO ay ipapadala ang nasabing mga bakuna.
Asahan daw ang nasa 1.3 milyon na doses ng Pfizer ang darating sa bansa nitong Mayo at sisimulan ang initial rollout ng 193,000 shots ng Pfizer vaccine sa darating na Mayo 11.
Mahigpit din ang utos ng pangulo kay Galvez na huwag piliin ang brand na ipapamahagi sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Inamin kasi ni Galvez na karamihan sa mga Filipino ay pinipili ang Pfizer at AstraZeneca.