Advertisers

Advertisers

DOH: Higit 500-K Pinoy ‘fully vaccinated’ vs COVID-19

0 333

Advertisers

NASA mahigit dalawang milyong indibidwal na sa Pilipinas ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine, habang nasa 514,655 naman na ang fully vaccinated na, o nakatanggap na rin ng second dose ng bakuna, ito ang ulat ng Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa press briefing na nasa 2,539,693 doses na ng bakuna ang na-administered sa may 1,047 active vaccination sites sa buong bansa hanggang Mayo 11.
Kabuuang 2,025,038 katao naman na ang nakatanggap ng unang dose, kabilang ang 1,195,381 health workers, 466,899 senior citizens, 353,842 persons with comorbidities, at 8,916 essential workers.
Sa 514,655 indibidwal na fully vaccinated na, 355,242 ang health workers, 25,070 ang senior citizens, at 134,343 na persons with comorbidities.
Sinabi pa ni Cabotaje na nasa 23% pa ng 1.5 milyong health workers na kasama sa vaccination master list ang hindi pa rin nababakunahan sa ngayon.
Karamihan sa mga ito ay nasa ibang rehiyon matapos na iprayoridad ng pamahalaan sa pagbabakuna ang National Capital Region (NCR) matapos ang pag-surge ng COVID-19 cases doon.
Sinabi pa nito na nasa 6% pa lamang ng 7.7 milyong senior citizens na nakarehistro para sa vaccination ang nakatanggap na ng bakuna.
Karamihan rin aniya sa mga matatandang nabakunahan na ay nasa mga lugar na itinuturing na COVID-19 hotspots gaya ng Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.
Una nang tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi nila sasayangin ang mga AstraZeneca doses na dumating sa bansa.
Nais ng pamahalaan na makapagbakuna ng mula 50 milyon hanggang 70 milyong Pinoy ngayong taon. (Andi Garcia)