Advertisers

Advertisers

Higit 500 benipisaryo naka-P10K sa grupo ni Cayetano

0 422

Advertisers

MAG-AAPAT na buwan na mula nang ihain sa kamara ang ‘10K Ayuda Bill’ ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kasamang kogresista sa ‘Back to Service’ pero hanggang ngayon ay bingi at bulag parin ang Kamara na aksyunan ang naturang panukala, hindi parin ito tinatalakay hanggang nga-yon. Bagkus, ipinilit ng mga kongresista ang P1K ayuda sa bawat Pilipino sa ilalim ng ‘Bayanihan 3’ na lusot na sa komite level.

Pero‘di rin itinigil ng grupo ni Cayetano ang pamimigay ng P10K ayuda sa ating mga kababayan upang makaahon ang mga ito mula sa krisis na dulot ng pandemya. Alam nyo ba na mahigit 500 benipisaryo na ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa grupo ni Cayetano?

Oo! Nitong Biyernes ay nakapamigay muli sina Cayetano ng P10K ayuda sa 300 residente ng Laguna. Sinaksihan ito nina Cong. Dan Fernandez, Congw. Sol Aragones at mga alkalde ng iba’t ibang bayan ng Laguna ang pamimigay ng P10K.



Bukod pa ito sa 200 katao na nakatanggap ng P10K kasabay ng paglulunsad ng ‘Sampung Libong Pag-asa’ noong nakaraang ‘Araw ng Paggawa’.

Aabot narin sa 38 na P10K ayuda ang naipamigay nina Caye-tano bago ang May 1, 2021. Ang sabi ng dating speaker, hindi ‘dole out’ ang ginagawa nila dahil hindi ito pantawid gutom lamang ng ating mga kababayan kundi pang-ahon mula sa kanilang sitwasyon ng paghihirap dahil sa Covid-19.

Ano nga naman ang mararating ng P1K ayuda na ibibigay sa bawat Pinoy? Syempre, mas mainam ‘yung P10K dahil maaari kang makapag-umpisa ng kabuhayan o maliit na negosyo dahil kahit paano’y meron kang maliit na puhunan.

Halimbawa na dito ang isang baker o magtitinapay ng Caloocan. Dati, 300 pesos lang kada araw ang kanyang kinikita dahil patingi-tingi ang kanyang binibiling harina at asukal para sa kanyang pagluluto. Kaagad syang bumili ng sako-sakong harina at asukal nang matanggap niya ang P10K ayuda mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyado. Ngayon, umaabot na sa P1,200 ang kinikita nya bawat araw. O, di ba, nakakatuwang isipin na may mga buhay na bumabangon dahil sa P10K ayuda.

Tama naman ng sinasabi ni Cayetano na hindi “beneficial at practical’’ kung P1k lang na ayuda ang ibibigay sa bawat Pilipino. Alangan namang papilahin ang mga 6-anyos na bata at mga 90- anyos na matanda para lang mapakuha ng P1K ayuda. Eh kung kinatawan lang naman ang kukuha ng ayuda dapat sana P10K na ang ipamigay kasi ‘di naman limos ang kailangan nga-yon ng mga tao. Kailangan nila ng malaki-laking halaga para manlang makapag-umpisa at makapagtinda ng gulay sa mga kapitbahay, magsimula ng isang maliit na sari-sari store at iba pang kabuhayan na swak sa kanilang komunidad. Mismo!

Kaya nga nananawagan si Cayetano sa kanyang mga kasamang kongresista na suportahan ang P10K Ayuda Bill para maisunod agad ang iba pang stimulus packages para sa agrikultutra, eduka-syon, turismo at iba pa. Maging ang mga residente ay dapat naring kumilos, bulabugin ang kanilang mga kongresista ng mga panawagan para suportahan ang P10K Ayuda Bill upang marami pang pamilyang Pilipino ang makinabang dito. Yes!



Asahan nalang din natin na mapukaw ang loob ng iba pang nakakaginhawa sa buhay na magbigay ng kahit na kaunting tulong sa ating mga kababayan. Wala namang ibang aagapay sa atin sa panahon ng krisis kundi tayo tayo rin lang. Kaya nga Sampung Libong Pag-asa ang tawag sa programang ito dahil ang mga donasyon para itaguyod ito ay hindi lamang galing sa mga kongresista kundi pati na din mga pribadong indibidwal upang mabigyan ng pag-asa na makaahon ang mga nalugmok ng pan-demyang ito.

Teka, balita ko’y dagdag na 300 benipisaryo ang makakatanggap ng P10K ayuda sa darating na Biyernes. Ito ay sa isang probinsya na kapitbahay lamang ng Metro Manila. Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More