Advertisers

Advertisers

Pagbaba ng Covid-19 cases sa Metro Manila at mga kalapit na lugar bumagal na – OCTA

0 195

Advertisers

SINABI ng OCTA Research Group na mas bumagal ngayon ang downward trend o pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Sa pinakahuling ulat ng OCTA, nabatid na ang Metro Manila ay nakapagtala lamang ng one-week case growth rate na -1% mula Mayo 24 hanggang 30, kumpara sa -23%, -27%, at -36% noong mga mas nauna pang linggo.

Tumaas din naman ang reproduction number ng National Capital Region (NCR) sa 0.69 habang ang positivity rate ay nasa 5%.



Ayon pa sa mga eksperto, ang Cavite, na may one-week case growth rate na 6%, at Laguna, na may 4% na one-week case growth rates, ay nakitaan ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases.

Samantala, ang average number naman ng mga bagong kaso ng sakit sa buong bansa ay tumaas ng 22% habang ang reproduction number ay nasa 1.02.



Tinukoy din ng grupo ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Iloilo, Misamis Oriental, Davao del Sur, South Cotabato, at Camarines Sur bilang “areas of concern” dahil sa mataas na case growth rates.

“The high positivity rates in Camarines Sur and Palawan indicates that more testing is needed in those provinces,” sabi ng OCTA. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">