Advertisers
NATAGPUANG patay sa pananaga ang isang dating university president sa bahay nito sa Catarman, Northern Samar nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ng Northern Samar police ang biktima na si Rolando Delorino, 64 anyos, dating presidente ng University of Eastern Philippines (UEP).
Ayon sa ulat, nagising ang anak ni Delorino at nakita nalang ang biktima na duguang nakahandusay malapit sa pintuan ng kusina ng bahay.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
“The retired president was living a peaceful life in his retirement home but was heartlessly attacked by unknown perpetrators. We hope that those who did such a grim act be caught and justice be served to a peace-loving and faithful public servant,” pagkondena naman ng Northern Samar provincial government sa walang awang pagpatay sa former UEP president.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen.