Advertisers

Advertisers

Anomalya sa bidding sa PPA sisilipin ng Kamara

0 223

Advertisers

PINASISIYASAT ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali sa Kamara ang umano’y maanomalyang “public bidding” ng Philippine Ports Authority (PPA).

Kamakailan nang maghain ng House Resolution No. 1822 si Umali para magkaroon ng “joint inquiry in aid of legistation” ang Committee on Good Governence and Public Accountability at Committee on Transportation.

Nais ng kongresista na silipin ng mababang kapulungan ang bidding na ginawa ng PPA para sa pagtatayo ng limang pantalan sa bansa.



Pahayag ng mambabatas, “disadvantage” sa pamahalaan ang tinatayang P1.3-billion na nagastos para sa public bidding ng mga pantalan na target itayo sa Puerto Princesa (Palawan), Ormoc (Leyte), Tabaco (Albay), Legazpi (Albay), at Calapan (Oriental Mindoro).

Kung titingnan raw ang mga probisyon sa ilalim ng bagong terminal leasing and management rules and regulations hindi napapanahon ang public bidding para sa mga terminal at pantalan.

Tinatayang 11,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa public bidding ng pantalan sa Oriental Mindoro.

Ayon kasi kay Umali, tinapos na ng PPA ang kontrata sa Calapan Labor Service Development Cooperative, na matagal ng nangangasiwa sa cargo and ro-ro operations sa Calapan Port.

Kahapon ay nagsagawa ng public consultation ang Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para malaman ang mga detalye ng proyekto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">