Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 4,353 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Hunyo 23.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,139 na gumaling at 119 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (49,862) ang aktibong kaso, 94.6% (1,298,442) na ang gumaling, at 1.74% (23,928) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 21, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.2% sa lahat ng samples na naitest at 4.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)