Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
ISA ang Megastar na si Sharon Cuneta sa local celebrities na matagumpay sa kanyang weight loss program.
Bago kasi magkaroon ng pandemic, malaki ang itinaba ng singer-actress na naging balakid sa kanyang pagbabalik-alindog.
Pero dahil desididong magpapayat at maibalik ang dating pigura, kinarir talaga ni Shawie ang pagpapapayat.
Bukod sa kanyang weight loss program, malaking bagay din dito ang pagsunod niya sa strict health regimen at siyempre, ang healthy living.
At voila, marami ang nagulat sa kanyang transformation.
Pati ang confidence niya sa sarili ay naibalik niya.
Kahit na magsuot pa siya ng sexy outfits na halos sumungaw na ang kanyang bobey ay wapakels na siya.
Dahil achieved na niya ang sexy body, keber na rin siya kung i-bash siya na nagmumurang-kamatis o nagse-second childhood.
Kung may naaasiwa man sa kanyang outfit o pinaggagagawa, wala namang nakikitang offensive ang singer-actress dito dahil as long na wala siyang tinatapakang tao, she deserves to do what makes her happy.
Dagdag pa rito, ayaw na rin niyang maging patola sa kanyang bashers.
Ito raw kasi ang isa sa mga natutunan niya noong pandemic lalo pa’t na-realize niya kung gaano lang kaikli ang buhay.
Sa kanyang bagong post sa kanyang Instagram account, humirit na naman siya na honored daw siya kapag tinatawag siyang cougar.
“My daughter, my Baba, Kakie has always called me “THICC.”Now I know why! Hahahahaha! Parang when someone calls me “MILF” or “cougar.” I say “Teynk yu! I’m honored!”
Ang ‘thicc’ ay isang slang term sa magandang pangangatawan na kalimitan ay ikinakabit sa mga babaeng may matambok na puwet at sa kahali-halinang kurba ng balakang.
Sa kanyang post, may mga napapa-wow sa kanyang kaseksihan at may nagtatanong din kung paano niya na-achieve ang kanyang balik-alindog goals.