Advertisers

Advertisers

BABY GINAWANG ADIK NI MOMMY!

Pinagsa-shabu ‘pag umiiyak

0 263

Advertisers

HINAHANTING ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang inang napaulat na madalas umanong pinagsa-shabu ang 2-anyos niyang anak sa Barangay Punta Princesa, Cebu City.

Ayon sa ulat, pitong tao ang nadakip mula sa sinalakay na dalawang drug dens sa lugar.

Sinabi ni NBI-7 Director Augustus Rennan Oliva na nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa isang babae na nasa likod ng isa sa mga drug den, na madalas umanong pinapabatak ng shabu ang kanyang anak na batang lalaki.



Napag-alaman din ng NBI mula sa mga kapitbahay ng suspek na pinapaniwala ng ina na lollipop ang tooter na pinagagamit nito sa bata para tumahan ito sa pag-iyak.

Wala umano sa sarili ang bata nang ma-rescue habang nakatakas ang ina nito.

Kinasuhan na ang ina ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at child abuse sa Cebu City Prosecutor’s Office.