Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,509 bagong kaso; 5,839 gumaling; 105 nasawi

0 248

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 4,509 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Miyerkules, Hunyo 30.

Dahil dito, umaabot na ngayon sa 1,412,559 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, batay na rin sa case bulletin no. 473 na inisyu ng DOH dakong 4:00 ng hapon.

Gayunman, sa naturang bilang, 48,649 na lamang ang nananatiling aktibong kaso o 3.4% ng kabuuang kaso ng sakit.



Sa active cases, 90.6% ang mild cases; 4.1% ang asymptomatic; 1.5% ang critical; 2.2% ang severe at 1.63% ang moderate cases.

Samantala, mayroon din namang bagong 5,839 bagong gumaling sa sakit. Sa kabuuan, umaabot na sa ngayon sa 1,339,248 ang nakarekober sa karamdaman o 94.8% ng naitalang total COVID-19 cases.



Mayroon din namang 105 katao ang binawian ng buhay matapos na dumanas ng kumplikasyon mula sa virus.

Dahil dito, nasa 24,662 na ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.75% ng kabuuang kaso ng impeksiyon sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">