Advertisers
UMABOT sa 4,516 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Hulyo 20.
Samantala ay mayroon namang naitalang 5,240 na gumaling at 58 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (46,806) ang aktibong kaso, 95.1% (1,444,253) na ang gumaling, at 1.77% (26,844) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 18, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 2.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)