Advertisers

Advertisers

Duterte nagbabala ng mas mahigpit na COVID-19 restrictions dahil sa Delta variant

0 255

Advertisers

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ipatupad ang mas mahigpit na COVID-19 restrictions para makaiwas ang lahat sa banta ng Delta variant.

Ito ay matapos kumpirmahan ng Department of Health (DOH) na mayroon ng local cases ng Delta variant sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nakakaalarma ang ulat ng DOH at dapat na mabahala ang gobyerno.



Dahil dito, sinabi ng Pangulo na maaring ipatupad ang mas istriktong mga quarantine qualifications at ipagbawal ang mga mass gatherings upang maiwasan ang paglaganap ng Delta variant.

Ipinag-utos ng Pangulo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na ipatupad ang mga kasalukuyang restrictions.

Sa datos ng DOH, 35 na Delta variant cases na ang naitala sa Pilipinas kung saan 11 rito ay local cases. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)