Advertisers

Advertisers

Duterte itinangging naospital matapos ang SONA

0 219

Advertisers

MARIING itinanggi ni Pangulong Duterte na isinugod siya sa ospital matapos ang kanyang mahigit dalawang oras na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Ayon kay Pangulong Duterte, naghapunan sila sa isang restaurant matapos ang kanyang huling Ulat sa Bansa.

Umugong ang hinala ng pagkaka-ospital ni Pangulong Duterte nang mamataan sa paligid ng Medical City ang ilang tauhan ng Presidential Security Group (PSG).



Iginiit ni Pangulong Duterte na malakas ang kanyang pangangatawan.

At para pabulaanan na siya ay dinala sa ospital, sinabi ni Pangulong Duterte, na nakipag-video call pa si Sen. Christopher Go sa ilang taga-media para patunayan na kasama niya ang Punong Ehekutibo sa hapunan.



Kaugnay naman sa muntik na niyang pagtumba habang naglalakad sa loob ng House Plenary, sinabi ng Pangulong Duterte na may nakatapak sa kanyang paa kaya’t muntik na siyang mawalan ng balanse.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">