Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
NAGTAPOS man ang Agimat ng Agila, hindi naman dapat malungkot ang fans ni Sanya Lopez dahil mapapanood sa darating na Sabado (July 31) ang Kapuso actress sa Wish Ko Lang. Bibida si Sanya sa huling installment ng month-long special episodes ng programa para sa ika-19th anniversary nito.
Makakasama niya sa episode na “To Love Again” sina Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, Yesh Burce, at Pipay. Kuwento ito ni Yasmin (Sanya) na nauwi sa hiwalayan ang marriage sa asawang si Rex (Anjo) dahil kay Sophie (Arny)–ang best friend ni Yasmin.
Isa sa pinaka-naapektuhan sa hiwalayan nila ay ang nanay ni Yasmin na si Teresa (Rita) dahil napalapit na sa kanya si Rex. Four years later, nagsimula si Rex ng bagong buhay kasama si Sophie. Pero hindi pa makapagpakasal ang dalawa dahil ongoing pa rin ang annulment nina Rex at Yasmin. Magkakasakit naman si Teresa at kakailanganin ni Yasmin si Rex. May Alzheimer’s disease kasi si Teresa at ang naalala lang nito ay ang good memories nina Rex at Yasmin.
Sa kanilang magiging set-up, tila mare-rediscover nina Rex at Yasmin ang feelings para sa isa’t isa at mare-rekindle ang kanilang pagmamahalan. Mapapraning naman si Sophie at iisiping gumaganti sa kanya si Yasmin.
Tuluyan nga kayang magkabalikan sina Rex at Yasmin?
Abangan ang “To Love Again,” sa Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado (July 31) pagkatapos ng Tadhana sa GMA.
***
KARA DAVID GUEST NI HOWIE SEVERINO SA KANYANG PODCAST!
Ang award-winning broadcast journalist na si Kara David ang guest ni Howie Severino ngayong Huwebes (July 29) sa The Howie Severino Podcast. Kapwa host ng long-running GMA Public Affairs program na I-Witness sina Kara at Howie at naging co-anchor noon sa newscast na News to Go.
Bukod sa pagbabalita at paggawa ng dokyu, pareho ring hilig nina Howie at Kara ang pagbibisekleta. Sa dami ng kanilang mga common interest at dahil na rin sa kanilang experience sa news at documentaries, tiyak na marami na naman tayong insights na makukuha sa new episode na ito ng The Howie Severino Podcast.
Katulad ni Howie, nasa online platform na rin si Kara. Patuloy na lumalaki ang subscribers sa kanyang YouTube Channel na nagtuturo siya ng wikang Filipino at Journalism. Mapapanood din si Kara sa Pinas Sarap tuwing Sabado ng tanghali, 12:30 p.m., sa GTV. Tuwing Sabado rin mapapanood ang I-Witness, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.
Makinig at i-follow na ang “The Howie Severino Podcast” sa Spotify at Apple podcast.
***
MOR ENTERTAINMENT AT MYX RADIO, NASA ABS-CBN RADIO SERVICE APP NA
MAKAKAPAKINIG na rin ang mga Pilipino ng musika sa ABS-CBN Radio Service App, bukod sa balita at serbisyo publiko mula sa TeleRadyo at ABS-CBN News Channel (ANC), at piling podcasts ng ABS-CBN News.
Kamakailan lang kasi, idinagdag ang MOR Entertainment at MYX Radio sa mga live stream sa mobile app gamit ang tablet o cellphone.
Hatid ng MOR Entertainment ang iba-ibang programang may hatid na musika at kaaaliwan kasama ang mga dating DJ ng MOR 101.9 na sina Chico, Chinaheart, Kisses, Onse, at Popoy mula sa Manila; Ateng Jeri B, Erick D, Bong Bastic, at Tito Son ng Luzon; Daddy Sarge, Jacky G, Macky Kho, at Master James Spider ng Visayas; at Betina Briones, David Bang, Kokoy, at Mary Jay galing namang Mindanao.
Sa MYX Radio naman maririnig ang bagong musika mula sa buong mundo na patok sa panlasa ng mga kabataang Pilipino. Marami dito ay mga musikang gawa, tampok, o pinrodyus ng mga artist na Pilipino o may dugong Pilipino.
Dati nang ginagamit ang ABS-CBN Radio Service App ng mga Kapamilya na nais maging updated sa pinakamahalagang mga balita sa pamamagitan ng pakikinig sa mga programa ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol,” “TeleRadyo Balita,” at “Dateline Philippines” ng ANC.
Naroon din ang mga podcast tulad ng “After the Fact” ni Christian Esguerra at ang “Post-Game” para naman sa mga mahihilig sa sports.
Maaaring i-download ang ABS-CBN Radio Service App nang libre sa lahat ng Android at Apple devices sa Google play store at Apple app store.
Sundan ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter, mag-subscribe sa ABS-CBN News YouTube channel, o pumunta sa http://news.abs-cbn.com para sa balita. Para sa ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa http://abs-cbn.com/newsroom.