Advertisers

Advertisers

‘Di exempted ang bakunado sa ECQ sa NCR – DoH

0 174

Advertisers

NILINAW ng Department of Health (DOH) na walang pagkakaiba sa pagitan ng vaccinated at unvaccinated na indibidwal.

Paliwanag ni Vergeire, ito ay isang bagay na napag-usapan na rin sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng National Capital Region simula sa Agosto 6 hanggang 20.

Punto aniya ng mga opisyales ng IATF ay wala pang sapat na suplay ng bakuna sa ating bansa para makapagsabi na tanging ang mga nabakunahan lamang ang maaring lumabas at ang ‘unvaccinated’ ay hindi maaring lumabas.



Ayon kay Vergeire, may mga indibidwal na ayaw talagang magpabakuna pero mayroon namang gustong magpabakuna pero hindi pa nakakatanggap ng bakuna.

“That is why it is not the time yet para makapag-impose tayo ng ganitong regulasyon,” ani Vergeire.

Bukod dito, sinasabi rin ng ating mga eksperto na mayroon itong legal implication.
Kaya sa ngayon wala aniyang pagkakaiba ang ‘vaccinated’ at ‘ unvaccinated’.

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga APORs o authorized person outside residence ang pinapayagang lumabas. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">