Advertisers

Advertisers

Mga taga-NCR may matatanggap na ayuda sa ECQ – Malakanyang

0 319

Advertisers

TINIYAK ng Malakanyang na makakatanggap ng ayuda ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa lockdown matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang rehiyon sa Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na ang ayuda ay kagaya rin ng ibinigay ng gobyerno sa apat na lugar na may ECQ sa Visayas at Mindanao.

“Well, inaasahan natin na kapareho yan nung binahagi nung huling ECQ at saka yung ibinigay din sa mga mamamayan ng Iloilo at saka ng Cagayan de Oro at Gingoog. So one thousand kada tao hanggang maximum of four,” ani Roque.



Nilinaw ni Roque na nakausap na nito si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado patungkol sa ayuda at hinahanapan na ito ng pondo para agad na matulungan ang mga taga-NCR.

“Ang hinihingi ko na lamang ay kumpirmasyon pero nakausap ko naman po si Secretary Wendell Avisado at ang sabi nya sa akin hahanapan at hahanapan natin yan dahil ang Presidente hindi pumapayag na mag-ECQ na walang ayuda sa mamamayan,” dagdag ni Roque.

Paalala ni Roque na walang dahilan para mag-panic sa ipatutupad na mahigpit na quarantine classification dahil mayroong isang linggong paghahanda para sa lahat ng sektor na maaapektuhan ng ECQ. (Josephine Patricio)