Advertisers

Advertisers

4 sure Olympics medals ng Pinoy athletes

0 408

Advertisers

SIGURADO na sa apat na medalya ang Pilipinas sa Tokyo Olympics 2020.

Ito ang kauna-unahang pangyayari na nakakuha ng apat na medalya ang Pilipinas sa quadrennial games na nilalahukan ng mahigit 200 nasyon sa mundo.

Noong 1932 Summer Olympics, tatlong medalya ang naiuwi ng Pilipinas.



Sa kasalukuyan, mayroon nang isang gold medal ang bansa mula kay Hidilyn Diaz ng weighlifting, at isang silver medal sa boxing mula kay Nesthy Petecio na natalo lang sa pambato ng Japan (Sena Irie) sa finals nitong Martes.

Talagang mahirap manalo si Petecio sa kalaban dahil Japan ang host ng Olympics. Knockdown lang ang magpapanalo sa kanya. Hindi ito nangyari kaya talo siya sa puntos. Its okay!



Ang silver medal ni Petecio ay pangatlo ng Pilipinas sa Olympics. Unang naka-silver sa boxing si Anthony Villa-nueva noong 1964 at si Onyok Velasco noong 1996.

Sigurado narin sa 2 bronze medals ang Pilipinas. Maari pa itong maging silver at maging gold kapag nalusutan nina Carlo Paalam (flyweight) at Eumir Marcial (middleweight) ang kanilang laban sa semis.



Tinalo ni Paalam ang pinakamabigat na balakid sa kanyang daan, ang warrior ng Usbekistan na gold medalist ng 2016 Olympics, nitong Martes. Ang sunod na laban ni Paalam ay sa Biyernes laban sa host Japan. Dapat mapabagsak niya rito ang Hapon kundi ay baka magaya siya kay Petecio. Mismo!

Nakatakda namang lumaban bukas, Huwebes, para sa silver medal si Marcial na nagtala ng parehong 1st round win sa kanyang nakaraang dalawang laban.

Ipagdasal natin na maka-2 gold pa tayo sa boxing.

May isang Pinoy pang nakapasok sa finals para sa gold medal, si EJ Obiena sa pole vault.

Masyadong matitindi ang kalaban ng Pinoy dito sa pole vault, puros Olympics at world record holders na lagpas tig-6 meters ang mga lipad. Ang best fly ni EJ ay 5:75 meters nang makapasok sa finals. Pero malakas ang power ng panalangin sa Diyos plus determinasyon. Who know biglang tubuan ng pakpak sa paa si EJ at makalipad ng 7 meters. Wish ko lang! Hehehe…

Mabuhay ang Philippine Team!

***

Matatapos na ang termino ni Pangulong Rody “Digong” Duterte sa Hunyo 30, 2022 ay puros pangako paring dudurugin niya ang korapsyon at droga sa bansa.

Hindi niya nga ito nagawa sa limang taon niya na sa puwesto, sa huling taon pa kaya kungsaan isa na siyang lameduck President?

Totoo na napakarami na niyang napapatay na mga adik at tulak, pero ito’y mga pipitsugin lamang. Ang drug lords ay namamayapag parin, hindi matagpuan, patuloy na nagpapakalat ng droga sa buong Pilipinas. Ang masaklap pa nito ang mga kilalang drug lords ay malapit sa First Family tulad nina Peter Lim, Co, Kenneth Dong, Richard Chen at Charlie Tan na silang nagpapasok ng tone-toneladang shabu sa bansa nung bagong upo si Duterte.

Marami naring napatay na politiko na mga sangkot raw sa droga, pero tuloy parin ang pagkalat ng iligal na droga sa mga lungsod. Kilo-kilo na unlike noon sachet lang.

Nawala na raw ang mga shabu lab sa Pinas. Tumindi naman ang shabu at cocaine smuggling.

Eto pa, ang Pilipinas ay lubog ngayon sa P13T utang!

Matatapos lang lahat ng ito sa 2022 Elections. Dapat!