Advertisers

Advertisers

Teresita Pambuan proud sa pelikulang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’

0 1,068

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ng very kind and accommodating na producer ng Minsa’y Isang Alitaptap na si Ms. Teresita Pambuan na proud siya sa kanilang pelikula na pinamahalaan ng multi-awarded actor/director na si Direk Romm Burlat.

Tampok dito sina Teresa Loyzaga, ang BidaMan finalist na si Ron Macapagal, Diego Loyzaga, at Ms. Gina Pareño. Ito ay under ng new movie company na TTP ni Ms. Teresita, in cooperation with ROMMantic Entertainment Productions.



First time na movie producer si Ms. Tess (nickname ni Teresita) at hindi naman daw siya nahirapan sa kanyang unang venture sa pelikula.

Aniya, “Hindi naman ako nahirapan sa pag-produce ng film na MIA (Minsa’y Isang Alitaptap) dahil may support naman ako as new producer from Romm Burlat and have communication lagi about the said film.”



Bahagi rin siya ng pelikula, ano ang role niya rito?

Esplika ni Ms. Tess, “Ang role ko sa movie ay Tita ako ni Lucia, played by Teresa Loyzaga. Iniwan niya ang responsibilidad sa pag-aalaga kay Amelia, who has an alzeihmer, played by Gina Pareño na sister ko sa pelikula.”



Nabanggit din niyang proud siya sa kanilang pelikula na balak nilang ipalabas bandang October.

Lahad ni Ms. Tess, “Napakaganda ng movie na Minsa’y Isang Alitaptap, kasi mahusay ang director ng pelikula na si Romm Burlat at scriptwriters na sina Paola Villena at Marvin Gabas. Product ang MIA ng team work, support at cooperation ng lahat ng bumubuo ng film na ito… from director, actors, down to extras, lahat ay may passion and showing their enthusiasm na ikinaganda ng pelikulang ito.

“Then, add to this ang bigay-todong mahusay na pagbibigay-buhay sa mga characters ng mga great artist na sina Ms. Teresa at veteran actress na si Ms. Gina, at idagdag pa ang magaling at guwapong actor na si Ron Macapagal.”

Wika pa niya, “First time akong nag-produce ng film. Sa pag- arte ay ganoon din, pero nangarap na rin akong maging artista when I was young. Nag-extra rin ako sa ABS-CBN noong late 60’s.

“I remember the daily soap opera na “Oh My Love” nina Edgar Mortiz at Vilma Santos under Direk Tony Santos and “Panagimpan” ng artistang si Marlene Dauden. Naranasan kong maka-received ng call slip na 2:00 p.m. daw naroon na ako, pero ang shooting ay nag-i-start at 2:00 ng madaling araw. Naranasan ko rin mang-agaw ng linya na assigned na sabihin ng iba,” natatawang wika pa ni Ms. Tess.

Pahabol pa ng lady boss ng TTP movie company, “Iyong experience ko sa Minsa’y Isang Alitaptap ay nakakaligaya ng feeling… maybe dahil hilig ko talagang maging artista since I was young. Dito sa aming movie, parang pamilya ang samahan, lahat ay may malasakit para sa ikagaganda ng film.

Bukod sa pagiging producer at artista sa pelikulang ito, si Ms. Tess ay isang business woman din talaga. Siya ang owner ng Bang Bang Bangus sa Cubao branch.

Sa mga gustong mag-order ng masarap at special na bangus, magtext or tumawag lang sa 0935-770-3228.