Advertisers
ISANG babaeng rider ang nasawi, habang sugatan ang kaniyang kasama nang maipit sa dalawang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Naga City, Camarines Sur.
Sa ulat, sinabing tumigil ang truck na nasa unahan ng biktima dahil sa may ginagawa sa kalsada.
Tumigil din ang motorsiklo pero ang truck na nasa likod nila nagtuloy-tuloy, dahilan para maipit ang mga biktima.
Inaresto ang driver ng truck na nakabangga na kinilalang si Ricky Berna.
Sinasabing amoy alak si Berna nang mangyari ang insidente pero itinanggi niya ito at iginiit na pumalya ang preno ng kaniyang truck.
Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan si Berna.