Advertisers

Advertisers

Viral: Babaeng traffic enforcer nanapak ng rider

0 330

Advertisers

SINUSPINDE sa loob ng 15 araw ang babaeng traffic enforcer na nanapak ng food delivery rider na hindi raw tumigil nang senyasan dahil mayroon pang mga tumatawid sa Consolacion, Cebu.

Kinilala ang traffic enforcer na si Maricris Vallejos.

Sa ulat, sinabing bukod sa sinuspinde si Vallejos, pinagmulta rin ito dahil ibinaba niya ang face mask nang mangyari ang insidente.



Ayon sa eport, nagmamando ng trapiko si Vallejos sa Barangay Lamac nang dumating ang rider na si Marcelino Sabucido Jr., sakay ng kaniyang motosiklo.

Iginiit ni Vallejos na hindi huminto at nagpatuloy si Sabucido habang nakasenyas siya dahil may mga tao pang tumatawid.



Idinagdag pa ng lady traffic enforcer na hindi niya intensyon manapak.

Nag-viral sa social media ang insidente at umani ito ng iba’t ibang reaksyon sa netizens.



Napanood ni Consolacion Mayor Joannes Alegado ang video at sinabi niyang parehong may pagkakamali ang magkabilang panig.

Kaya iniutos niya na suspendihin ng 15 araw si Vallejos at pinagmulta din dahil sa pag-alis ng kanyang face mask.

Payo ng alkalde sa publiko, sundin ang traffic rules at huwag pairalin ang init ng ulo.