Advertisers
P20.2 MILLION halaga ng marijuana ang sinunog ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay PDEA Director General Wilkin Villanueva, isinagawa ang operasyon base sa ‘Oplan 20 Awilit’ (marijuana eradication) ng pinagsanib na mga elemento ng PDEA Kalinga PO, 1st aT 2nd coy Kalinga Provincial Mobile Force Company, 1501st at 1503rd Regional Mobile Force Battalion 15, PDEG SOU CAR, at Naval Forces Northern Luzon Barangay Loccong, Tinglayan.
Umabot sa 87, 950 fully grown marijuana plants ang sinira at sinunog sa natagpuang 8 marijuana platations na maykabuan 8,100 sqms na tinatayang nagkakahalaga ng P17,590,000.
Habang nasa 22 kilograms ng marijuana dried leave at stalk na nagkakahalaga ng P2,640,000 ang sinunog. Sa kabuuan, nagkakahalaga ng P20,230.000 marijuana plants, marijuana dried at stalks ang sinira.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng cultivator ng marijuana at paghaharap ng kaso laban dito. (Mark Obleada)