Advertisers

Advertisers

TAGUIG CITY, ‘BUMIRIT’ NG MAHIGIT ISANG MILYON COVID-19 VACCINATION

0 270

Advertisers

NAKAPAGTALA ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng mahigit isang milyong milyahe sa pagbabakuna laban sa Covid-19 at patuloy na pinangangasiwaan ang kanilang mga kababayan na maging ligtas ngayong panahon ng pandemya, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, umabot sa 1,015,029 ang nabakunahang Taguigenyo kaya’t naging ikaapat ito sa bansa na tumama sa ‘one million mark’ (total Covid-19 jabs administered) na pinangunahan ng Quezon City, Manila at Caloocan City.

Ang Taguig City ay nag-uugnay sa milyahe na ito dahil sa pagsusumikap ng bawat manggagawa sa kalusugan at mahahalagang manggagawa na higit na nag-ambag sa contact tracing at pagsisikap sa pagbabakuna, at patuloy na pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy versus Covid-19.



Sa kabila nito, patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang kanilang community-based vaccination sa pamamagitan ng Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, at Home Service Vaccination para sa mga bedridden citizens.

“The City will continue to provide fast,safe and accessible vaccination for every Taguigeno! ” ayon kay Cayetano.(Jojo Sadiwa)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">