Advertisers

Advertisers

Dahil sa mga post ng Senadora laban sa kanyang mister…ROSE LIN TAKBO KAY GORDON VS HONTIVEROS

0 355

Advertisers

NAKIUSAP at umapela si Rose Nono Lin kay Senador Richard Gordon, tserman ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee, para tanggalin sa mga post ni Sen. Risa Hontiveros ang mga “malisyoso at walang basehang pag-atake” sa kanilang pamilya, lalo na at may mga batang damay sa posts ng senadora. Ito ay para maprotektahan naman ang kaniyang mga menor de edad na anak sa harassment at bullying.

Matatandaan iniuugnay ni Sen. Hontiveros, isa sa mga kilalang kritiko ng pamahalaan, ang pamilya ng maybahay na si Rose Nono Lin sa Senate inquiry ukol sa overpriced na pagbili ng PPEs ng pamahalaan sa kasagsagan mg pandemya.

Ayon kay Ms. Lin, dumalo siya sa pagdinig ng Senado para mabigyan ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan, matapos ang ilang linggong pag-atake sa kanya at kanyang pamilya.



Makikita sa mga Facebook post hanggang sa Senate hearing na hinahanap ni Hontiveros ang koneksyon ng dating Economic Adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, at kanyang mga kaibigan, kasama na ang asawa ni Ms. Lin.

“Ang pangalan po ng asawa ko ay Weixiong Lin. Siya po yung nasa picture na tinutukoy sa post ni Sen. Hontiveros, pero hindi po siya si Allan Lim at wala pong kinalaman ang asawa ko sa kalakalan ng droga,” pahayag ni Ms. Lin.

Sinabi ni Hontiveros sa komite na wala siyang balak tanggalin ang mga Facebook post niya na nagdadawit sa pamilya ni Ms. Nono Lin sa droga. Ito ay sa kabila ng kaalaman tungkol sa mga banta sa kaligtasan ng pamilya ni Ms. Nono Lin. Ayon sa senadora, tatanggalin lang niya ang online posts niya ukol sa pamilyang Lin kung ipag-uutos ni Senador Richard Gordon.