Advertisers
NILINAW ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na wala pang kumpirmasyon ang mga ulat na magdedeklara ng kandidatura sa pagkapangulo si dating Senador Bongbong Marcos ngayong araw.
Sinabi ni PFP President at South Cotabato Gov. Reynaldo ‘Jun’ Tamayo na bago matapos ang araw na ito ay umaasa silang maglalabas ng desisyon si Marcos.
Tiniyak naman ni Tamayo ang solidong suporta ng mga taga-South kay Marcos.
Matatandaang itinalaga ng partido si Marcos bilang kanilang standard bearer sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Tamayo, bukas sila sa posibleng tambalan nina Marcos at Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo namang vice president sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban Cusi Faction.
Gayunman, ipinauubaya na nila kay Marcos ang pagpili ng kaniyang magiging running mate.
@@@
Samantala isang opisyal ng Hugpong Para kay Sara (HPS) ang nagsabi na ang bagay na katandem ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 elections ay si dating Sen. Bongbong Marcos.
Ayon kay Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos, vice president ng HPS ang North-South formula ay isang mabisang formula upang manalo sa eleksyon.
Sa isang statement, sinabi naman ni Bernos na ang Duterte-Marcos tandem ay “best team” na kayang magpalakad ng bansa dahil sa kanilang mga karanasan at puso para sa mga ordinaryong mamamayan.
Inilungsad ang HPS sa kabila ng pahayag ni Mayor Duterte na hindi ito tatakbo sa isang national position matapos ianunsyo ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito sa pagkabise presidente.
Subaybayan natin!
@@@
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!