Advertisers
Arestado ang isang indibidwal dahil sa umano’y paggawa at pagbebenta ng mga pekeng dolyar at Treasury bill ng United States na nagkakahalaga ng tinatayang P12 bilyon sa Pasay City.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Bi-yernes, isinagawa ang operasyon ng Criminal Intelligence Division (CRID) sa isang mall sa lungsod noong Marso 11.
Matapos ang tatlong buwang imbestigasyon, nahuli ang suspek sa test-buy operation matapos tanggapin ang marked money.
Nasabat naman ang bilyon-bilyong pisong pekeng U.S. currency at Treasury instruments.
Isinailalim ang suspek sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit.
(Jocelyn Domenden)