Advertisers

Advertisers

37 arestado sa online fraud sa Laguna

0 5

Advertisers

Nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang malawak na operasyon ng social engineering at online fraud sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa NBI nitong Biyernes, pinangunahan ng Human Trafficking Division (HTRAD) ang isinagawang raid noong Marso 12.
Natuklasan umano ang isang organisadong opisina, kung saan nahuli ang 37 empleyado na sangkot sa umano’y panloloko online.
Kabilang umano rito ang pagpapanggap bilang Apple technical support, pekeng pag-aalok sa utang, at panlilinlang upang makakuha ng remote access sa computer ng mga biktima.
Narekober naman ang mga electronic device na gamit ng mga suspek para sa forensic analysis upang matukoy ang iba pang koneksyon ng sindikato.
Nahaharap naman ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act at Cybercrime Prevention Act of 2012. (Jocelyn Domenden)