Advertisers
ISANG mahalagang panglaban sa insurgency o’ insureksiyon at pagrerebelde ang naiulat na pagbaba ng poverty rate sa Pilipinas.
Ito ay ayon na rin kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon na nagsasabing di lamang economic milestone ang pagkakaroon ng 9.7 percent poverty rate.
Nakasama ko di PAPA Sec. Gadon sa FAQCheck press conference nitong Huwebes, kung saan sinabi niya na direktang nakaaapekto sa recruitment ng mga insurgent group ang pag-angat ng kabuhayan, lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.
Ayon kay Gadon, matagal nang sinasamantala ng mga armadong grupo ang kahirapan upang mang-recruit. Unang unang riyan ay ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Sabi ni PAPA Gadon, kapag may sapat na kita, irigasyon, disenteng kabuhayan at tiyak na merkado para sa ani, nababawasan umano ang dahilan para sumali sa armadong tunggalian.
Kabilang sa mga suportang binanggit niya para sa mga magsasaka at dating conflict-affected communities ang debt relief, libreng binhi, farm machinery, irrigation systems, post-harvest facilities at market access sa pamamagitan ng Kadiwa Program at pakikipagtulungan sa malalaking retailer gaya ng SM.
Binigyang-diin din ni Gadon na naabot ang 9.7 percent poverty rate tatlong taon bago ang target na 2028. Ipinagtanggol din nito ang datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, na aniya ay nakabatay sa komprehensibong government records at na-validate ng World Bank at Asian Development Bank.
Kasabay nito, pinalalawak umano ng pamahalaan ang access sa puhunan para sa MSMEs, kabilang ang loans mula P500,000 hanggang P50 milyon sa LandBank, collateral-free loans na P30,000 hanggang P5 milyon sa Small Business Corporation at financing na P50 milyon hanggang P300 milyon sa DBP.
Ayon pa kay Gadon, kapag mas maraming Pilipino ang may trabaho, negosyo at sapat na kabuhayan, hindi lamang kahirapan ang nababawasan kundi pati ang puwang na maaaring pagsamantalahan ng insurgency.
Gaya ng dialogue ng isa pa nating kaibigan diyan sa DZBB na broadcaster na si Ka Rene Sta. Cruz, “may tama o’ malaki ang tama” nitong si PAPA Gadon. Isa siyang opisyal ng Marcos Administration na alam gawin ang kanyang tungkulin di gaya ng mga ibinoto niyo sa Senado.