Advertisers

Advertisers

KARAPATAN ANG PAG-UUNYON

0 6

Advertisers

Walang puwang sa mundo ang paniniil higit sa mga tao o taong naghahanap ng makakasama sa tindig na ikagagaling ng nakakarami. Marami ang nagpapahayag ng damdamin sa mga usapin ngunit andap higit kung maisasalang ang sarili sa masalimuot na sitwasyon. Sa tindig sa mga usapin, karaniwang tumatama sa namumuno sa tanggapan ang puna ngunit may kaba ang paglalahad ng sa loobin na mensahe higit kung mataas at tuwiran ang relasyon sa tanggapan ng nagpapa-abot at pinatutukuyan.

Sa kabilang dako, makikita sa tao ang pagpapahalaga sa sarili na ‘di tutupi sa katotohanan sino man ang tamaan sa dahilang Karapatan ang ibig iparating sa kinauukulan. Dahil ang pagpapahayag ng Karapatan higit sa layon ng pagbubuklod o pagbubuo ng samahan ng mga tao ang tamang daan sa pagpapaabot ng tindig na ‘di iniisantabi.

Maraming pagkakataon sa pagkakaroon ng magkaibang tindig ang mga tao sa isang grupo na ‘di silip ang kagalingan. Dahil karaniwan sa tindig na kadalasang nakabatay sa pangangailangan na may epekto sa iba at nakakarami at ang kadalasang dahilan sa ‘di pagkakasundo na dapat pagkaisahan. At dito mahalaga ang papasok ng mga tagapagmulat, galaw na inaasahan sa lider / tagapamuno na magtitiyak na kagalingan ng lahat ang ibig at ang kailangan isantabi ang mga layon na pansarili.

Walang masamang tinapay sa talastasan at ipaabot ang ibig na pagbubuklod ng nakakarami na mabisang paraan sa pagpapa-abot ng mensahe na kagalingan ng lahat. Sa sandalling na naunawaan ng nakakarami ang layon, ang magpagalaw sa hanay na binubuo o nabuoý sadyang likas dahil sa iisang adhikain ng grupo. Sa totoo lang, ganap na iisa ang magiging galaw ng kasapian na naunawaan ang pagkakaisa ng hanay na kinabibilangan.

Sa katunayan, masalimoot ang pagbubuklod – buklod higit kung batid na malakas ang pwersa na ‘di ibig maganap ang pagkakaisa na ikaduduhagi ng iba. Mahalaga ang pagmumulat at patuloy na pag-aaral sa kalagayan ng kasapian na ibig magpaabot ng layon sa iba na may sarili o ibang tindig. Sa isang institusyon tulad ng Pamantasan hindi madali ang magbuklod ang mga kawani na iba – iba ang kategorya sa ranggong tangan.

Sa bawat katangian sa tangang pwesto ang magparating ng mga ibig sa pamunuan ang karaniwang pinagmumulan ng ‘di pagkakaisa ng mga kawani. Sa totoo lang, hindi ganap ang pagpaparating ng ibig sa namumuno sa institusyon ang nais dahil sa pag-alang – alang sa ibang ibig na ganap na kakaiba sa ibang hanay. Ang mag kakaibang pangangailangan sa pwestong tangan ang dahilan ng ‘di pagsuporta ng iba sa inilalapit at ganap na tindig na ginagamit ng lider o institusyon pinararatingan ng tindig.

Ang kabukasan sa usapin ng bawat hanay sa iisang samahan o grupo ang sandata sa pagpapaabot ganap na layon sa mga namumuno ang daan sa pagkakaisa. Sa totoo lang, ang tanikala ng mga kahilingan ng bawat hanay sa isang samahan ang paraan sa pagkakaisa sa tindig, kahilingang may pakinabang ang lahat. Tulad ng mga daliri sa kamay iba ang sukat sa haba o laki ng bawat isa ngunit silip ang ganda na dulot sa iisang kamay. Sa dulo ng magaganap ang buong kamay ang napapansin at ‘di ang iisang daliri. Sa sambit sa unahan, ang kabuuan ang mapapahalagahan ng institusyon pinararatingan ng layon dahil sa pagkakaisang ipinapakita ng lahat ng kawani. Sa huli, ang galaw ng kabuuan ang mabibiyayaan dahil sa pagkakaisang namalas na mahirap banggain.

Mainam na bigyan laman ang banggit sa ibabaw, ang Pambansang Pamantasan o ang National University sa Maynila. Sa banggit na Pamantasan, patuloy ang usapin ng mga tagapagturo o faculty sa pagbubuo ng unyon na ibig iparating sa tagapangasiwa ng Pamantasan. Sa antas pa ng pagbubuo ng grupo, dama ng mga lider-guro na ‘di ganap ang pagkakaisa ng hanay na taliwas tindig ng tagapangasiwa. Iba ang layon ng mga regular na guro sa mga ‘di pa ganap ang kalagayan sa pwestong tangan. Samantala, ganap ang pagtutol ng tagapangasiwa ng pamantasan sa pagbubuo ng samahan ng mga regular na faculty na pinagtataka ng mga kawani.

At ‘di tanggap ang galaw na ipinamamals ng tagapangasiwa ng Pamantasan sa pagbubuo ng Samahan na nakasalig sa Karapatan sa pagbubuklod sa iisang layon. Hindi mawari ng mga kawani ang tindig ng tagapangasiwa ng pamantasan sa pagbubuo ng samahan gayung ang ibig, magkaisa para sa kagalingan ng pamantsan. At sa totoo lang, isang Samahan na walang ibang ibig kung hindi ang gumalaw para sa kagalingan ng nagtuturo sa pamantasan.

Sa kasalukuyan, umabot sa tanggapan ng Kagawaran ng Paggawa ang usapin na taliwas sa inaasahan ikikilos ng pamunuan ng Pamantasan na pakikiisa. At sa totoo lang, pagkadismaya ang dama ng tumatayong lider ng unyon sa ‘di inaasahang kilos ng namamahala na aabot ang usapin sa DOLE at usaping legal. Sa kabilang banda, ganap na maganda ang naganap na umakyat sa DOLE ang usapin na maglalarawan ng tamang tindig ang nilandas ng mga faculty sa pagtatayo ng unyon. Habang sa hanay ng namumuno sa Pamantasan, silip ang kaba higit sa ilalapit na mga kahilingan ng hnay ng union ng tagapagturo. O’ tuliro ang pamunuan ng Pamantasan sa pagtatayo ng samahan na hihiling ng mga bagay na mabigat ibigay o ‘di naibibigay sa nakaraan.

Sa pagsilip sa galaw ng tagapangasiwa ng pamatasan karaniwan ang pagpapa-abot sa usapin sa tamang tanggapan ng pamahalaan ngunit mainam na maghintay sa pagpapasya, tatalima at ‘di kakikitaan ng taliwas na galaw kontra sa kautusan. Sa totoo lang, may pag-aagam – agam sa kilos ng pamunuan ng Pamantasan na ganap ang pagtutol sa usapin ng pagbubuklod buklod ng mga tauhan o kawani. Ang pagpasok sa usapin sa legal na paraan ang magpapatibay sa respetohan ng magkabilang hanay at umaasa na di mauuwi sa marahas na banggaan ng magkabilang panig.

Sa kabilang banda, nagpaabot ang ilang Samahan sa kaMaynilaan tulad ng CoTeSCUP, USTFU at iba pang samahan ng pakikiisa at tagumpay ng pagbubuklod ng Samahan o Union ng mga faculty ng NU. Sobrang nakakatabang puso ang mga ipinahatid na mensahe na pagpapatunay na nasa tamang tindig sa tamang panahon ang pagkakaisa. Umaasa na ‘di magtatagal at ganap na kikilalanin ng pamantasan ng NU ang Samahan ng mga nagtuturo sa NU higit ang nakakaraming regular. At umaasa sa susunod na panahon, sa ilang kasalukuyang nagtuturo sa pamantasan na bilang mga ‘contractual, ang maging regular. Sa totoo lang, sa pagkakaisa ‘di matatanggi na Karapatan ang Pag-uunyon saan mang tanggapan.

Maraming salamat po!!!!