Advertisers
NAGREKLAMO ang isang college student na lulan ng isang motorsiklo nang arestuhin ng isang pulis at tinutukan ng baril at pinagsu-suntok nang dalhin sa presinto, at pinagbintangang hol-daper sa General Trias City, Cavite.
Kinilala ang mga biktima na si alyas Ace, 20 anyos, re-sidente ng Gen Trias City; at alyas Andrei ng Mendez, Ca-vite, kapwa 1st year student.
Sa ulat, 11:30 ng gabi ng Huwebes, Agosto 27, nang naganap ang insidente sa harapan ng PSBank sa kahabaan ng Governor’s Drive, Barangay San Agustin, Trece Martires City.
Sa ulat, 3:00 ng madaling araw ng Biyernes nang bitbitin ng pulis si Ace sa Gen. Trias Component City Police Station dahil sa umano’y kasong robbery.
Agad inimbestigahan ng Duty Investigator si Ace, su-bali’t lumalabas na walang robbery na naganap.
Sa imbestigasyon ni Patrolman Rolyn D. Pagayon ng Gen Trias CCPS, 11:30 Huwebes ng gabi ay magkaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklong Mio Sporty (4640 KW) nang hinabol sila ng nabanggit na pulis sakay ng kanyang Mitsubishi Mirage (NFK 8547).
Sa paghahabol, nasagi ang likurang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima dahilan upang matumba ang mga ito at tumakbo, subali’t nang napansin ni alyas Ace na may baril ang lalaki ay tumigil ito, habang nakatakas ang kasama nito na si Andrei.
Paglapit ng pulis kay Ace, itinutok nito ang kanyang baril sa ulo at mukha saka pinagsusuntok at puwersa-hang ipinasok sa kanyang sasakyan, dinala sa istasyon ng pulisya.
Napatunayan sa imbestigasyon na walang naganap na robbery.
Sa inilabas ng press statement ng Police Regional Office 4A, sinibak na sa kanyang kasalukuyang assignment ang nasabing pulis, inilagay sa Provincial Adminsitration and Records Management Unit-Provincial Holding and Accounting Section (PARMU-PHAS) Cavite Police Provicial Office (CPPO) at isinailalim sa inquest proceedings sa tanggapan ng Trece Martires City Prosecution.
Kasalukuyang nahaharap sa kasong Grave threat at physical injuries ang pulis.