Advertisers
HINATULAN ng habambuhay na pagkakabilango ng Pasay City Regional Trial Court Branch 16 ang dalawang Chinese nationals nang mapatunayan “guilty beyond reasonable double” sa paglabag sa kasong section 4 ng Republic Act No 9165 nitong August 25, 2026.
Bukod sa pagkakabilango, pinatawan rin ng korte ang dalawang akusado na sina Jason Ang y Tan at James Soriano Ong, Chinese nationals, ng pagbayad ng tig-P2 milyon bilang danyos perwisyo.
Nagsimula ang kaso nang maharang ng mga elemento ng Ninoy Aquino International Airport Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa pangunugna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 20 boxes na naglalaman ng 239,153 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.62 billion mula sa Malaysia noong Oct 29, 2020. Nakalagay ang nasabing mga shabu sa may 240 plastic tea bag.
Sa halip na agad samsamin ng mga operatiba ang nasa-bing mga package nagsagawa ng “controlled delivery operation” na nagresulta sa pagkakadakip kina Ang at Soriano sa parking lot ng isang fastfood restaurant sa Barangay Sumacab Sur, Maharlika Highway corner General Tino Extension, Cabanatuan City noong Oct. 30, 2020. (Mark Obleada)