Advertisers
TINANGGAL sa kanilang mga pwesto ang provincial director ng Negros Oriental Police Provincial Office at anim na chief of police matapos ang sunod-sunod na pag-aresto na may kaugnayan sa ilegal na numbers games sa probinsya.
Ang mga pagsibak ay iniutos sa ilalim ng “One-Strike Policy” ng pambansang pulisya ng Pilipinas laban sa ilegal na sugal matapos ang sabay-sabay na ope-rasyon ng Regional Special Operations Group ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) na nagresulta sa anim na pag-aresto, ayon kay NIRPO chief Brigadier General Romano Cardiño.
Ang mga operasyon ay isinagawa sa mga munisipalidad ng Ayungon, Tayasan, Sibulan at Pamplona, at mga lungsod ng Bayawan at Guihulngan sa pagitan ng 10:14am at 1:34pm.
Ang anim na sinibak ay nahuling nanghihingi at nangongolekta ng taya para sa mga ilegal na laro ng numero, na paglabag sa Republic Act No. 9287 (Anti-Illegal Numbers Games Act of 2001).
Nasamsam ng mga pulis ang mga betting slip, improvised betting receipt, claim stubs, notebook na naglalaman ng mga kombinasyon ng numero, ballpen, marked money at perang pinaniniwalaang kinita mula sa ilegal na pagsusugal.
Nabawi ang kabuuang P550 marked money at P620 kita mula sa sugal.
Bukod sa anim na hepe ng pulisya, sinibak din sa pwesto ang provincial director ng pulisya.
Si Colonel Jonathan Abella ang itinalaga na acting provincial director ng probinsya.