Advertisers

Advertisers

School utility worker, pinatay ng mister sa loob ng iskul

0 5

Advertisers

Patay ang 40-anyos na school utility worker nang saksakin ng asawa sa loob ng compound ng isang paaralan sa Saranggani.
Kinilala ang biktima na si alyas “Mary Grace”.
Ayon sa mga saksi, bigla umanong dumating ang salarin sa paaralan at marahas na inatake ang biktima, na pinaniniwalaang dulot ng matinding selos.
Agad na rumesponde ang mga emergency responder sa lugar nguni’t hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima dahil sa tinamong mga sugat.
Kaagad namang inaresto ng mga pulis ang salarin habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Patuloy na kinokolekta ng mga awtoridad ang mga pahayag ng mga saksi, ebidensya, at testimonya mula sa mga kapitbahay at mga tauhan ng paaralan.
Ibinahagi rin ng mga anak ng biktima, kabilang ang ikalawang anak na si alyas “Jophet,” ang kanilang nasaksihan sa marahas na pag-atake ng kanilang ama laban sa kanilang ina.
Ayon kay Jophet, matagal na silang natatakot na hindi na makaligtas ang kanilang ina bago pa man mangyari ang pana-naksak bunsod umano sa ugali ng kanilang ama.
Dahil sa sinapit ng kanilang ina, nananawagan ngayon ng hustisya ang mga anak ng biktima at hinihiling sa mga awtoridad na panagutin ang kanilang ama sa buong bigat ng batas.
Kinondena naman ng pamilya at mga lider ng komunidad ang insidente at iginiit na patuloy na nagiging banta sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan ang karahasan sa loob ng tahanan sa mga barangay sa lalawigan.
Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang sinusuri ang crime scene at iba pang ebidensya upang matukoy ang buong pangyayari sa likod ng krimen.