Advertisers

Advertisers

Nursing stude todas sa nilaklak na ecstasy

0 10

Advertisers

Nasawi ang 21-anyos na nursing student mula sa isang medical school sa General Santos City nang uminom ng ecstasy.
Pinaghihinalaan ng pamil-ya ng biktima na maaaring ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan at nobyo ang natu-rang droga sa isang pagkikita bago naganap ang insidente.
Ayon sa ina ng biktima, nasa Davao City ang kanyang anak para sa on-the-job training mula Pebrero 7 hanggang Pebrero 21. Gayunman, hindi ito natapos ng estudyante matapos siyang makaranas ng seizures, hallucinations, at kakaibang asal na ikinabahala ng mga nakapaligid sa kanya.
Noong Pebrero 15, iniuwi umano ng nobyong kinilalang si Adrian ang biktima sa kanilang bahay kasama ang ina nito.
Pagdating sa kanilang bahay, paulit-ulit umanong si-nabi ng estudyante na natatakot siya at binanggit pa ang salitang “ecstasy” habang nakikipag-usap sa kanyang pa-milya.
Ayon pa sa ina, tumawag din sa kanya ang anak at nagmakaawang sunduin siya kaagad dahil ayaw na umano nitong manatili roon.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, habang hindi pa kumpirmado ang alegasyon na may kinalaman ang droga sa pagkamatay ng estudyante.
Humingi na rin ng tulong ang pamilya sa National Bureau of Investigation (NBI) upang masiyasat nang mabuti ang mga pangyayari bago nasawi ang biktima.