Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
JENNYLYN Mercado buntis?
Ito ngayon ang mainit na balita sa mundo ng showbiz na masasabing “good news.”
Nagbunga na nga ba ang pagmamahalan nina Dennis Trillo at Jennylyn?
Tsika ng isang mapanuring mata sa showbiz, nagulat ang ibang artista at production staff nang biglang may dumating na ambulansya sa lock-in taping ng kanilang TV show na Love.Die.Repeat.
Natakot ang lahat. Ang buong akala nila ay may susunduing nag-positive sa COVID-19.
Pero sinabi ng ilang staff na wala silang dapat ipag-alala.
Walang nag-positive sa coronavirus, lalo na’t hindi pa schedule ng kanilang pagpapa-swab test uli na dapat ginagawa sa mga lock-in taping.
Ayon sa ilang nakasaksi sa set, isinakay sa ambulansya ang bidang aktres ng programa.
Pero hindi raw nag-positive sa COVID si Jennylyn kundi positive sa pregnancy test!
Yes! Nasa interesting stage nga raw ang aktres na maganda at sikat.
Pero sa ngayon nasa stage of confirmation pa rin ang lahat at mas mabuting kumpirmahin dahil wala pa raw sinasabi sa kanila kung ano na talaga ang kalagayan ng aktres.
Basta, natigil lang daw sandali ang taping nila dahil kailangan munang magpahinga ng love ni Dennis.
Napag-alamang nagka-spotting ang aktres sa taping kaya biglang may dumating na ambulansya para ma-check-up siya.
Sobrang napagod daw kasi sa taping. Kaya dapat ipahinga muna ito ng aktres.
Ang sabi lang daw sa co-actors, mag-break muna sila sandali dahil kailangang i-revise ang script. Wala silang kaalam-alam sa tunay na kalagayan ni Jen.
Kung totoo ito, magandang news ito para kina Jennylyn at Dennis at sa lahat ng nagmamahal at sumusubaybay sa kanila, dahil tama na ring magbunga ang pagmamahalan ng dalawa.
Ilang buwan na lang at ipagdiriwang ng aktor at aktres ang ikawalong anibersaryo ng kanilang pag-iibigan.
Sa nakaraang kaarawan ng aktres, ipinagmalaki ng aktor na excited siya sa next chapter ng kanilang buhay.