Advertisers

Advertisers

Kris napurnada ang honeymoon dahil sa lock in taping

0 388

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

LARAWAN ng isang pagkasaya-sayang babaeng ikakasal si Kris Bernal nang bumungad sa pintuan ng isang simbahan kung saan naganap ang kasal nila ng mister na si Perry Choi.

Mula sa seremonya ng kasal hanggang sa reception ay super happy si Kris. Pero ganun na lang ang gulat ng kanyang mga supporters dahil kinabukasan pagkatapos ng kaligayahan sa araw ng kanyang kasal ay iba na ang pinost ni Kris sa kanyang social media account.



“Gusto kong umiyak sa pagod. I’ll have a lock-in taping for a teleserye starting tomorrow and it will last for more than a month. I just started packing but seryoso, pagod na pagod ako,” saad ni Kris sa kanyang pinost na larawan na makikita ang isang maletang bukas at nakapaloob ay mga damit.

No choice kasi sa napirmahang kontrata ni Kris para sa lock-in tapings ng bago niyang seryeng gagawin ay natapat sa kinabukasan ng wedding day niya.



Maging ang mister ni Kris ay walang say sa gagawing pagpasok ng kanyang misis sa lock-in taping kahit nangangahulugan ito ng paghihiwalay nila physically ng mahigit sa isang buwan.

Ngangey nga pareho ang bagong kasal sa kanilang honeymoon. Pero for sure after ng work ni Kris ay matutuloy na rin ang kanilang naudlot na pulotgata.



***

AMINADO ang bagong hirang na Best New Movie Actor of the 36th PMPC Star Awards for Movies na si David Licauco na darating pala ang panahon na ang kagaya niyang isang simpleng pangarap lang ay manalo ng isang acting award. Lalo pa naging super higpit ang labanan ng mga nominado sa naturang kategorya. Pito lang naman ang binangga ni David, sina  Louise Abuel (Edward), Royce Cabrera (Fuccbois), Kent Gonzales (Kuwaresma), Jin Macapagal (Damaso), Jansen Magpusao (John Denver Trending), Paolo Marcoleta (Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban) at L.A. Santos (Maria). Si David ay nanalo sa pelikulang “Because I Love You”.

Ayon kay David, kahit daw sa kanyang wildest dream ay  hindi niya nakitang mapapansin pala ang kanyang acting talent. Bukod dito ay hindi raw talaga niya naisip noon na pumasok sa showbiz o mapanood sa telebisyon at mga pelikula.

Sey pa ni David, naging mabilis daw ang pangyayari sa kanyang showbiz career, at nadagdagan pa ito ng isang acting award.

Kaya ganun na lang ang lubos na pasasalamat ni David sa lahat ng bumubuo ng Philippine Movie Press Club, Inc. para sa parangal at magiging  encouragement kay David na mas lalong pagbutihan ang kanyang craft, as in, mas gagalingan pa niya sa mga susunod pa niyang proyekto.

Samantala, isa rin sa cast ng pelikulang “Because I Love You” na si Michelle Dee ang nakasungkit ng parangal bilang Best New Movie Actress of the Year. Congratulations kina David at Michelle!